Pinagpapaliwanag ng Department of Health (DOH) ang kanilang lokal na tanggapan sa Davao City matapos maturukan ng COVID-19 vaccine si dating Defense Sec. Gilbert Teodoro na taga-Tarlac.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, wala silang nakikitang problema rito pero hihintayin pa rin nila ang paliwanag ng kanilang regional office para hindi nagkakaroon ng agam-agam ang ating mga kababayan.
Batay sa DOH Memorandum 2021-0099, bawal ang bigla-biglang pagpunta sa COVID-19 vaccination sites kung hindi nagpa-schedule.
Gayunpaman, pwedeng magpaturok ang hindi nagpa-schedule bilang “substitute” basta’t kasama sa priority list ng mga kasalukuyang tinuturukan ng bakuna.
Facebook Comments