DOH, pinag-iingat ang publiko kasabay ng pagluwag ng physical distancing sa pampublikong transportasyon

Pinag-iingat ng Department of Health (DOH) ang publiko na doblehin ang pag-iingat laban sa COVID-19 kasabay ng pagluwag ng physical distancing sa pampublikong transportasyon.

Sa statement, hinihikayat ng ahensya ang mga Pilipino na kailangan ng ibayong pag-iingat sa mga sitwasyong hindi magagawa ang distancing.

Kung maaari anila, pumili o sumama sa mga aktibidad o gumamit ng transport options na mayroong nasa isang metrong distancing.


Pinahahalagahan ng DOH ang proteksyon ng buhay at kabuhayan.

Ang Department of Transportation bilang mangungunang ahensya sa pagpapatupad ng hakbang ay resposable sa pag-isyu at pagpapatupad ng transport guidelines kung saan hindi makokompromiso ang kalusugan at kaligtasan ng bawat mananakay.

Sa ilalim ng guidelines ng World Health Organization (WHO), inirerekomenda nila nag 1-meter distance para mapigilan ang posibleng COVID-19 transmission.

Maging DOH ay paulit-ulit na pinapaalala ang nasa 1-metro pagitan sa ilalim ng “BIDA Solusyon” campaign.

Facebook Comments