Pinag-iingat ng Department of Health (DOH) ang publiko sa isang nagpapanggap na Facebook page ng ahensya.
Ito ay matapos mapag-alaman na ang pekeng page ay nag-eendorso ng false health claims at produkto.
Ang nasabing page ay may post na isang milk supplement na nakatutulong upang magamot ang chronic insomnia.
Iginiit ng Health Department na hindi nila pagmamay-ari ang nasabing page.
Dahil dito, nakipagtulungan na ang ahensya sa Department of Information and Communications Technology (DICT) na tanggalin ito.
Pinapaalalahanan din ng DOH na ang pagpapakalat ng maling impormasyon ay maaring magkaroon ng criminal charges at inaabisuhan na sa kanilang opisyal na page lang mangalap ng impormasyon.
Facebook Comments