Manila, Philippines – Pinag-iingat ng Department of Health (DOH) ang publiko sa mga sakit na maaring makuha ngayong malamig ang panahon.
Ayon kay DOH Undersecretary Rolando Enrique Domingo – uso ngayong amihan season ang ubo at sipon.
Laganap din ang flu at iba pang respiratory infections.
Payo ni Domingo – ang mainam na paraan para maiwasan ang mga nabanggit na sakit ay good personal hygiene.
Ugaliin ding magsuot ng tamang pananamit tuwing malamig ang panahon at kumain ng masustansyang pagkain.
Facebook Comments