Hinimok ng Department of Health (DOH) ang publiko na mag-ingat sa pag-unawa sa isang international study na nagsasabing nakakapagbigay ng immunity laban sa COVID-19 ang mga nabakunahan na ng dengue vaccine.
Lumabas sa pag-aaral na ang COVID-19 transmission sa ilang lugar sa Brazil ay mababa kung saan nagkaroon ng dengue outbreak.
Nagkaroon din ng pananaliksik sa dengue at COVID-19 cases sa 15 bansa sa Southeast Asia, Latin America, at mga isla sa Pacific at Indian Oceans.
Ang nasabing pag-aaral ay hindi pa pormal na inilalathala o nagagawan ng peer review.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, dapat mag-ingat ang publiko sa pag-interpret ng pag-aaral.
“Kailangan tayo ay maging careful when we try to interpret and get this kind of data. Dito sa study na sinasabi mo, pinagkumpara lang niya ‘yung association no’ng incidence o pagkakaroon ng dengue,” sabi ni Vergeire.
Sa ngayon, pinag-aaralan na ng DOH ang naturang pag-aaral.