DOH, pinag-iingat ang publiko sa sakit na Polio

Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa posibleng pagbalik ng sakit na Polio.

Kasunod na rin ng pagbaba ng bilang ng mga nagpapabakuna kontra rito.

Ang Polio ay nagdudulot ng panghihina ng kalamnan hanggang sa tuluyang pagkaparalisa o pagkamatay.


Karamihan sa mga tinatamaan ng Polio ay walang ipinapakitang simtomas.

Ayon kay Health Sec. Francisco Duque III, bumaba na lamang sa 20 hanggang 25% ng mga magulang ang nagtitiwala sa bakuna ng ahensya.

Target ng DOH na mabakunahan ang nasa 5.5 Million na kabataan sa Metro Manila, Central Luzon at Calabarzon.

Magtatagal ang tatlong rounds ng Synchronized Polio Immunization hanggang sa katapusan ng Nobyembre.

Facebook Comments