Hinimok ng Department of Health (DOH) ang publiko na mag-ingat sa sore eyes na nauusong sakit ngayong tag-init.
Ayon kay DOH Undersecretary Rolando Enrique Domingo – ang sore eyes ay “all-year-round” na sakit pero madalas dumarami ang natatamaan nito tuwing summer.
Tumatagal ng lima hanggang pitong araw ang sore eyes kaya pinapayuhan ang publiko na magpakonsulta agad sa health professional kapag lumalala ang kondisyon.
Binigyang linaw din ni Domingo na ang gatas ng ina o breastmilk, lime extract at ihi ay hindi gamot para sa sore eyes.
Ang mainam na paraan para gamutin ang sore eyes ay sa pamamagitan ng proper hygiene.
Facebook Comments