
Pinagpapaliwanag ni Senator Erwin Tulfo ang Department of Health (DOH) kaugnay sa delay ng pag-iisyu ng tulong medikal sa mga mahihirap na pasyente.
Nakaabot sa tanggapan ng senador ang mga reklamo ng mga kababayan na hindi pagbibigay ng guarantee letter (GL) sa mga mahihirap na pasyente kahit ito ay nasa pampublikong ospital.
Pinasasagot ni Sen. Erwin sa DOH kung paanong naubos ang pondo para sa medical assistance gayong sapat ang inaprubahang pondo ng Kongreso para sa Medical Assistance to Indigent and Financially Incapacitated Patients Program (MAIFIP).
Dapat aniyang magsabi ang ahensya kung wala na ba talagang pondo para hindi umaasa ang mga tao.
Posible rin aniyang wala na ngang pera ang DOH matapos na magreklamo ang mga private hospitals sa Region IV-A partikular sa Batangas patungkol sa ₱530 million na utang ng ahensya sa kanilang ospital.









