Manila, Philippines – Pinagsusumite ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang Department of Health ng proposal budget para sa pagpapatayo ng treatment at rehabilitation centers sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Kasunod nito ay tiniyak ni Dangerous Drugs Committee Chairman Robert Barbers na nakahanda silang suportahan sa Kamara ang pondong ilalaan para sa pagpapatayo ng treatment at rehabilitation centers para sa mga drug users.
Aniya, ito ay tugon na rin sa kabuuang programa ng pamahalaan na wakasan ang iligal na droga sa bansa.
Sinabi ni Barbers na nakahandang maglaan ng pondo ang Mababang Kapulungan at kada budget hearing ay tinitiyak nilang may budget na nakalaan para sa rehab centers para suportahan ang operasyon at mga kinakailangang facilities dito.
Kung kailangang dagdagan ang pondo para sa treatment at rehab centers ay handa itong pag-aralan at ibigay ng Kamara.
Naniniwala ang Kamara na tulad ng mga may-sakit ay dapat na gamutin rin ang mga drug users at huwag basta ituring na isang kriminal.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558