DOH, pinaiiwas ang publiko sa pagpepenitensya ngayong Holy Week

Nanawagan ang Department of Health sa publiko na iwasan muna ang penitensya at paghalik sa mga imahe ng santo kasabay ng paggunita ng Semana Santa sa susunod na linggo.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosarion Vergeire, ang pagpepenitensya tulad ng tulad ng pagpapako sa krus ay maaaring magresulta ng impeksyon sa sugat.

Habang maaaring pagmulan aniya ng hawakan ng COVID-19 ang paghalik sa mga imahe.


Pinayuhan ni Vergeire ang publiko na magsuot ng face mask kapag lumabas sa Semana Santa.

Hinikayat din niyang magpaturok ng bakunang kontra COVID-19 ang mga hindi pa nababakunahan.

Facebook Comments