Manila, Philippines – Pinawi ng Department of Health (DOH) ang pangambang kumalat ang sakit na meningococcemia.
Kasunod ng pagkamatay ng isang taong gulang na batang babae na pinaniniwalaang tinamaan ng sakit.
Ayon kay DOH Undersecretary Eric Domingo – mayroong naiulat na isang kaso ng meningococcemia pero patuloy nilang kinukumpirma ito.
Nagsasagawa na aniya ng tracing ang epidemiology bureau ng ahensya para mapigilan ang pagkalat ng nasabing sakit.
Dagdag pa ni Domingo – hindi na rin kailangang magpa-quarantine ang mga nagkaroon ng direct contact sa pasyenteng mayroong meningococcemia.
Dapat sumadya ang mga ito sa health workers para mabigyan sila ng anti-biotics.
Nalinis na rin at na-disinfect ang ospital kung saan isinugod ang bata.
Facebook Comments