DOH, pinakapinagkakatiwalaan ng publiko na ahensiya ng gobyerno

Nanguna ang Dept. Of Health (DOH) sa mga ahensya ng gobyerno na pinagkakatiwalaan ng publiko.

Base sa ulat bayan report ng Pulse Asia Research Inc. nitong Disyembre – ang DOH ay nakakuha ng trust rating na 80%, kasunod ang AFP na nasa 75% at PNP 72%.

Mataas ito sa rating ng DOH noong Setyembre na nasa 72%.


Bukod dito, si Health Sec. Francisco Duque III ang nakakuha ng mataas na approval rating mula sa iba pang piling opisyal at cabinet members na nasa 74%.

Maliban kay Duque, kasama rin sa survey si DepEd Sec. Leonor Briones, DSWD Sec. Rolando Bautista, DFA Sec. Teodoro Locsin Jr., Cabinet Sec. Karlo Nograles, Finance Sec. Carlos Dominguez III, DTI Sec. Ramon Loprez, DND Sec. Delfin Lorenzana, at BSP Gov. Benjamin Diokno.

Samantala, nagpapasalamat naman si Duque sa buong workforce ng ahensya, mga empleyado at opisyal sa kanilang dedikasyon at pagganap sa kanilang tungkulin.

Nagpasalamat din si Duque sa positive feedback na natanggap para sa ahensya at tiniyak na ihahatid ang universal health care at magbigay ng responsive, accessible at quality health services sa bawat Pilipinas.

Facebook Comments