DOH, pinakikilos agad sa tumataas na kaso ng leptospirosis

Pinatutugunan agad ni Senate Committee on Health Chairman Senator Christopher “Bong” Go sa Department of Health (DOH) ang tumataas na kaso ng leptospirosis sa buong bansa.

Naalarma ang senador sa pagtaas ng kaso ng leptospirosis sa maraming lugar dahil sa mga nararanasang pagbaha.

Pangunahin sa pinakamataas na may naitalang kaso ng namatay ngayong taon ay ang Quezon City na nasa 23.

Hinimok ni Go, ang health authorities na maging alerto at makipag-ugnayan para mapigilan ang pagdami ng kaso at mga namamatay sa sakit.

Hinikayat din ng mambabatas ang publiko na agad magpasuri sa doktor kapag nakaramdam ng sintomas ng leptospirosis.

Sa report ng DOH, naitala ang kaso ng leptospirosis na aabot sa 3, 037 mula January 1 hanggang July 19.

Kabilang sa mga rehiyon na may mataas na kaso ng leptospirosis ay ang Cordillera Administrative Region at Caraga Region.

Facebook Comments