Umapela si Manila 2nd district Rep. Rolando Valeriano kay Health Secretary Ted Herbosa na agad aksyunan ang tumataas na bilang ng mga residente sa Tondo at iba pang lugar sa Maynila na dinapuan ng sakit na Tuberculosis (TB).
Tiwala si Valeriano na kaya itong tugunan ng DOH Tuberculosis Directly Observed Treatment, Short-course (TB DOTS) program na kinapapalooban ng paggamot sa mga tinatamaan ng TB.
Sa tingin ni Valeriano, ang pagkalat ng kaso ng TB sa Tondo ay bunga ng pagsasama-sama sa mga evacuation center ng mga naging biktima ng sunog at mga pagbaha.
Kaugnay nito ay nagpasalamat naman si Valeriano kay Iloilo 1st district Rep. Janet Garin at sa Doctors Without Borders dahil sa kanilang malasakit na ipinakita para sa mga taga-Tondo na nagkakasakit ng TB.