Hinikayat ng Department of Health (DOH) ang mga supplier ng oxygen tanks na i-regulate ang bentahan ng nasabing medical equipment.
Ito ang pahayag ng DOH kasunod ng mga ulat na may ilang indibidwal ang bumibili ng oxygen tanks para sa kanilang household sa harap ng tumataas na kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, dapat masigurong sapat ang supply oxygen tanks sa healthcare facilities at mga ospital.
Nangangamba ang ahensya na posibleng magkulang ang supply ng ospital kung lahat ng households ay bumibili ng oxygen tanks.
Panawagan ng DOH sa publiko na humingi ng tulong mula sa kanilang mga physicians o local government units kung kailangan nila ng oxygen tank.
Ang hindi maayos na paggamit ng oxygen tank ay hindi makatutulong sa mangangailangan nito.