Pinasisiguro ng Department of Health (DOH) sa mga lokal na pamahalaan na hindi maisasantabi ang pagbabakuna sa mga healthcare worker, mga nakatatanda at mga may comorbidity.
Ito’y sa harap ng pagsisimula ng pagbabakuna sa A4 category o essential workers at maging sa mga mahihirap o mga kabilang A5 priority group.
Ayon kay Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire, bagama’t may kakulang ng suplay ng bakuna, dapat pa rin sundin ang prioritization sa pagbabakuna.
Aniya, huwag sanang lagpasan o isantabi ang mga nangunguna sa priority list.
Nabatid kasi na marami pa rin sa mga nakatatanda at may comorbidity ang hindi pa nababakunahan.
Dagdag pa ng DOH, may ilang lugar din ang hindi pa naaabot na target na mabakunahan na frontline healthcare worker kaya’t umaasa sila na pagtuunan ito ng pansin ng mga lokal na pamahalaan.