DOH, pinatitiyak sa mga employer ang pagkakaroon ‘work-life’ balance sa kanilang mga manggagawa

Hinikayat ng Department of Health (DOH) ang publiko na panatilihing balance ang oras sa trabaho at pamilya sa gitna ng pandemya.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, mahalagang mayroong ‘work-life’ balance lalo na sa panahon ng krisis.

Importanteng mayroong proper scheduling ng mga aktibidad at trabaho.


Hinimok din ni Vergeire ang mga employer na magbigay ng suporta sa well-being ng kanilang mga manggagawa.

Aniya, responsibilidad din ng mga employers na pagbutihin ang physical, mental resilience ng kanilang mga empelyado.

Dapat ding magbigay ng psychosocial support ang mga employer.

Ang sobrang stress ay magdudulot ng negatibong impact sa mental health ng isang tao.

Nagpaalala ang DOH sa publiko na huwag mag-atubiling kumonsulta sa propesyunal sakaling mayroong mental health problems.

Facebook Comments