Pinawi ng Department of Health (DOH) ang pangamba ng mga tinamaan ng COVID-19 na may tsansang mag-develop ng diabetes ang mga nagkaroon ng infection.
Ayon kay Health Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire, hindi naman ito nangangahulugan na magkakaroon agad ng diabetes ang mga tinamaan ng COVID-19.
Nilinaw rin ni Vergeire na hindi lahat ng nagka-infection ay magiging diabetic kalaunan.
Sinabi ni Vergeire na ang mga high risk lamang dito ay ang may family history ng diabetes.
Dapat din aniyang malaman ng publiko na ang mabisang gawin para makaiwas dito ay magpabakuna at magsuot ng face mask lalo na kapag nasa mataong lugar.
Facebook Comments