DOH, pinawi ang pangamba ng publiko sa banta ng African swine fever

Manila, Philippines – Nilinaw ng Department of Health (DOH) na walang dapat ikabahala ang publiko sa gitna ng babala tungkol sa African swine fever at iba pang klase ng flu mula sa ibang bansa.

Ayon kay DOH Secretary Francisco Duque III – wala pang idinedeklarang outbreak ng anumang uri ng flu sa bansa sa ngayon ang World Health Organization (WHO).

Pero iginiit ng kalihim na kailangan pa ring mag-ingat.


Pagdating naman sa kaso ng tigdas, sinabi ni Duque na kailangang paigtingin pa ang pagbibigay ng bakuna laban dito para hindi na tumaas ang kaso sa bansa.

Facebook Comments