Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na nananatiling walang kaso ng Delmicron/Deltacron sa bansa.
Gayunman, patuloy anila ang pag-aaral dito ng mga eksperto.
Nilinaw rin ng DOH na ang World Health Organization (WHO) ang siyang may awtoridad na mag-validate ng mga napapaulat na variants ng COVID-19 tulad ng Deltacron/Delmicron, Flurona, at IHU variants.
Ang WHO lamang din anila ang makakapagdeklara kung ang variant ay Under Monitoring (VUM), Variants of Interest (VOI) o Variants of Concern.
Nilinaw ng DOH na hanggang sa ngayon ay wala namang idinedeklara ang global health agencies tulad ng WHO at US Centre for Disease Control (CDC) na ang Delmicron/Deltacron ay bagong variant ng COVID-19.
Facebook Comments