DOH, pinawi ang pangamba sa seguridad at bisa ng COVID-19 vaccines

Tiniyak ng Department of Health (DOH) na walang dapat ipangamba ang publiko sa bakuna kontra sa COVID-19 dahil ligtas ang mga ito at epektibo.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, ang mga bakunang ito ay dumaan sa pagsusuri ng Food and Drug Administration (FDA), Health Technology Assessment Council (HTAC), Vaccine Expert Panel (VEP), at the Department of Science and Technology (DOST).

“Sinisiguro po nila. Huwag po kayong mag-aalala na ang bakuna na atin pong ibibigay o ituturok ay talagang dekalidad at una sa lahat ito ay ligtas o safe. Kanya huwag po tayong mag-alala. Sana po ay magkaisa tayo para mapataas natin ang kumpiyansa, ang paniwala ng ating taumbayan sa atin pong national deployment and vaccination program,” ani Duque


Paliwanag ni Duque, bago mabakunahan ay dadaan sa medical screening ang mga tatanggap ng bakuna para malaman kung pwede ba silang maturukan dahil sa posibleng allergy, co-morbidities, at medication.

Matapos mabakunahan, dadaan naman ang mga ito sa masusing monitoring mula sa ahensya.

Facebook Comments