DOH, pinayuhan ang publiko na kumonsulta muna sa mga health center bago sa ospital

Courtesy: TVI Resource Development Inc.

Hinimok ng Department of Health (DOH) ang publiko na unahin munang bumisita sa health centers sa bansa bago magpa-check up sa mga ospital.

Ayon kay DOH Officer-in-Charge Undersecretary Maria Rosario Vergeire, may sapat na kapasidad ang health centers sa bansa para magsuri ng primary health concerns.

May pondo rin aniya ang health centers sa bansa kaya may mga doktor, nurses at mga dentista na kayang mag-check ng basic health concerns.


Idinagdag ni Vergeire na malaki ang tulong ng pagpunta sa health centers para maiwasan ang pagkapuno ng mga ospital sa bansa.

May ilan na rin aniyang super health centers sa bansa na may mga pasilidad at kagamitan tulad ng isang ospital.

Facebook Comments