Manila, Philippines – Pinayuhan ng Dept. of Health ang publiko na mag ingat sa mga taong nagpapanggap na mula sa DOH at nanghihingi ng donasyon para sa mga biktima ng bakbakan sa Marawi city.
Sa isang kalatas, sinabi ng DOH na nakakatanggap sila ng ulat na may mga taong nagpapakilalang mula sa ahensya at nanghihingi ng pera.
Pero paglilinaw ng DOH, hindi nila bininigyan ng karapatan ang mga nanghihingi ng donasyon kaya hindi sila dapat na bigyan ng pansin.
Hinihimok naman ng DOH ang sinuman na may katanungan tungkol sa ibinibigay nilang ayuda sa mga naapektuhan ng gulo sa Marawi na makipag-ugnayan sa kagawaran sa pamamagitan ng pagtawag sa DOH Hotline: 02 7111001 o 02 7111002.
Facebook Comments