Hinimok ng Department of Health (DOH) ang publiko na magpa-test sa COVID-19 sa mga accredited at licensed laboratory lamang.
Ito ay kasunod ng mga ulat ukol sa mga namemeke ng COVID-19 RT-PCR results.
Ayon sa DOH, hindi lahat ng laboratoryo sa bansa ay may kakayahang magsagawa ng testing para sa COVID-19.
“Keep in mind that not all diagnostic laboratories can provide COVID-19 RT-PCR testing and this kind of testing requires a specific license issued by the DOH”
Maaaring bumisita ang publiko sa official website ng DOH para sa kumpletong listahan ng mga lisensyadong laboratoryo para sa COVID-19.
Kung duda naman sila sa authenticity ng laboratoryo o test result, pwede silang humingi ng kopya ng kanilang lisensya para sa COVID-19 RT-PCR testing na valid hanggang December 31, 2021.
Bukod dito, nagbabala rin ang DOH sa publiko laban sa paggamit ng self-administered test kits para sa COVID-19.