Pinayuhan ng Department of Health (DOH) ang publiko na magpakonsulta muna sa doktor para malaman ang kanilang medical history bago sila maturukan ng COVID-19 vaccine.
Ang COVID-19 vaccines lalo na ang gawa ng Pfizer-BioNTech ay mayroong adverse effects sa mga taong mayroong allergic reactions.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kailangang humingi ng assessment o certification mula sa kanilang doktor na maari silang maturukan ng bakuna.
Hindi rin dapat pinagsasabay ang pagturok ng COVID-19 vaccines at iba pang bakuna para sa sakit.
Sinabi ni Philippine Foundation for Vaccination Chief Dr. Lulu Bravo, dapat mayroong apat na linggong pagitan.
Hinimok din niya ang publiko na i-monitor ang kanilang pangangatawan kung mayroon silang pre-existing condition o wala.