DOH, pinayuhan ng isang kongresista na maging proactive sa laban sa COVID-19

Hinimok ni Albay Rep. Joey Salceda ang Department of Health (DOH) na maging proactive sa laban kontra COVID-19 pandemic.

Giit ni Salceda, karamihan sa mga major health interventions ng ahensya sa mga nakalipas na buwan ay reactive o resulta ng isang pangyayari at hindi proactive at precautionary.

Binigyan- diin ng kongresista na mas magastos ang pagtugon sa pandemya kung palaging reactive ang mga desisyon ng DOH.


Inihalimbawa nito ang kaniyang naging proposal noon pang Marso na isailalim ang Metro Manila sa lockdown na hindi kaagad tinanggap at sinunod ng ahensya.

Aminado naman si Salceda na mahina ang health preparedness framework ng bansa kaya malabong maresolba agad ang mga problema sa COVID-19.

Ito aniya ang dahilan kung bakit isinusulong niya ang pagtatatag ng Centers for Disease Control and Prevention para mapaghandaan hindi lamang ang day-to-day health issues kundi maging ang mga pandemya tulad na lamang ng COVID-19.

Facebook Comments