Mapoprotektahan na ang publiko mula sa hindi patas at mapagsamantalang presyo ng essential health services sa panahon ng pandemya.
Ito ang inihayag ng Department of Health (DOH) matapos lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order no. 118 na nagtatakda ng price ceiling sa COVID-19 testing.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, ang bagong EO ay layong matiyak na mayroong patas at abot-kayang COVID-19 test at test kits.
Alam ni Duque na pahirap sa mga Pilipino ang mataas na presyo ng COVID-19 test.
Nakikipag-ugnayan na sila sa Department of Trade and Industry (DTI) para sa pagbuo ng guidelines hinggil dito.
Facebook Comments