Pinag-aaralan na ng Department of Health (DOH) na palawigin ang deadline sa mga ospital upang maiturok ang lahat ng alokasyong COVID-19 vaccines sa kanila.
Una rito, nagbigay ng deadline na hanggang Marso 25 si Health Secretary Francisco Duque III upang maubos ang lahat ng idineploy nilang bakuna sa iba’t ibang vaccination sites sa buong bansa.
Ang mga hindi mauubos na bakuna ay kukunin muna ng DOH para ibigay sa ibang mas nangangailangan tulad sa National Capital Region (NCR) na may pinakamataas na kaso ng virus infection.
Kinumpirma naman ng DOH na kasunod ng inilabas na deadline ay tumaas ang consumption ng mga bakuna sa vaccination sites.
Mula sa 48% ay tumaas ito sa 62%.
Facebook Comments