DOH R02, MULING NAGPAALALA SA SAKIT NA LEPTOSPIROSIS

CAUAYAN CITY- Muling nagbigay ng paalala sa publiko ang Department of Health Cagayan Valley Region kaugnay sa sakit na leptospirosis.

Ito ay dahil na rin sa malawakang baha na nararanasan ngayon sa iba’t-ibang lugar sa Lambak ng Cagayan gayundin sa iba pang lugar sa bansa dulot ng epekto ng Bagyong Carina.

Ayon sa ahensya, mataas ang tsansa na tumaas ang bilang ng tatamaan ng leptospirosis dahil na rin sa marami ang lumulusong sa baha.


Payo ng DOH, kung hindi talaga maiiwasang lumusong ay tiyakin na lamang na mag suot ng proteksyon lalo na kung may sugat ang mga paa upang hindi pasukan ng impeksyon.

Hinihinayat rin ang publiko na ugaliing maghugas kaagad ng may sabon at malinis na tubig.

Karaniwang nakukuha ang naturang sakit sa maruming tubig na kung saan nahaluan ito ng dumi ng tao o hayop, ihi ng daga, o patay na hayop.

Facebook Comments