Hinikayat ngayon ng Department of Health – Region 1 ang bawat isa na unahin ang pagkain at iwasan ang vape, kasabay ng selebrasyon ng World No Tobacco Day.
Inaanyayahan din ng DOH na sumali ang bawat isa o makibahagi sa kampanya na mapigilan ang mga kabataan na simulant ang paninigarilyo o pag-vape. Ipinapanawagan din ng nasabing ahensya sa kanilang tema na we need food, not vape and tobacco.
Ayon sa pag-aaral, walong milyong tao ang nasasawi, kada taon, dahil sa paninigarilyo, kaya naman ay walang humpay na ikinakampanya ng naturang ahensya ang pag-iwas sa paninigarilyo o pag-vape.
Saad ng DOH, “Sa Bisyo Wala kang panalo”. Para sa mga nagnanais na huminto sa bisyo, maaaring tumawag sa quitline ng DOH na 1558. |ifmnews
Facebook Comments