DOH REGION 1, MULING NAGPAALALA SA BANTA NG LEPTOSPIROSIS

Muling nagpaalala ang Department of Health Region 1 sa bantang posibleng maidulot ng Leptospirosis dahil sa pagbahang nararanasan ngayong may sama ng panahon.

Tumataas ang kaso ng Leptospirosis tuwing may pagbaha dahil sa halo-halong mikrobyo at dumi na nasa tubig at maaaring makuha ng indibidwal na lumusong sa baha nang may sugat.

Ayon sa tanggapan, hangga’t maaari iwasan sana ang paglusong sa baha, at angkop na paglilinis ng paa kapag lumusong maging ang tamang pagpapakonsulta para sa tamang gamutan.

Nagpaalala rin ang tanggapan sa pag-iwas sa pag-inom ng antibiotic na Doxycycline kontra Leptospirosis nang hindi nagpapakonsulta dahil maaring mawalan ng bisa ang gamot kapag hindi nainom nang tama.

Samantala, bukod sa leptospirosis dapat din umano tutukan ng publiko ang proteksyon mula sa mga W. I. L. D diseases ngayong tag-ulan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments