Inihayag ng Department of Health-Center for Health Development Region 1 (DOH-CHD 1) ang mahigpit na pagbabantay laban sa mga kaso ng food poisoning ngayong holiday season, kung saan kabi-kabila ang mga handaan at salo-salo.
Ayon kay Dr. Rheuel Bobis, tagapagsalita ng ahensya, mahalaga ang masusing pagtiyak sa kalinisan ng pagkain at tubig upang maiwasan ang anumang insidente ng food borne illnesses. Kanyang pinaalalahanan ang publiko na laging maghugas ng kamay bago at pagkatapos humawak ng pagkain.
Bukod sa food poisoning, binalaan din ng ahensya ang publiko hinggil sa mga karaniwang sakit na nauugnay sa holiday season, gaya ng pagtaas ng blood pressure at cholesterol dulot ng labis na pagkain.
Patuloy din ang panawagan ng DOH-CHD 1 na maging responsable sa paghahanda ng pagkain at umiwas sa labis na pagkain upang mapanatili ang masiglang pagdiriwang ng kapaskuhan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨