Ito ang inihayag ni DOH Assistant Regional Director Dr. Mar Wynn Bello sa isinagawang DOH 4th Town Hall Meeting on Guards for Omicron kasama ang iba’t ibang miyembro ng Media.
Ayon kay Dr. Bello, nagpahanda ang kagawaran para sa paglilisensya sa mga temporary treatment and monitoring facilities (TTMF) na siyang magagamit sakaling magkaroon ng kaso ng omicron sub-variant.
Kaugnay nito, nakatakda ring maglagay ng TTMF ang kagawaran sa Regional Blood Center kung saan maaaring i-accommodate ang iba pang karatig na bayan.
Ayon pa kay Bello, may mga pre-positioning ng mga gamit gaya ng Personal Protective Equipment (PPE), mga gamot at bitamina para makapaghanda ang mga medical staff upang makapagbigay ng serbisyong medikal sa mga mild cases na nasa mga pasilidad gayundin sa mga moderate at severe cases.
Iginiit ni Bello na patuloy ang ginagawang pagbabakuna ng kanilang kagawaran para mabigyan ng proteksyon ang publiko mula sa banta ng nakakahawang sakit.
Una nang nagbigay ng kautusan ang DOH sa lahat ng Local Government Unit sa rehiyon upang mapaghandaan ang posibleng kaso ng omicron sub-variant.