DOH Region 2, Kinumpirmang Wala nang Bayan sa Cagayan ang nasa “Critical Risk” Epidemic

47

Cauayan City, Isabela- Kinumpirma ng Department of Health (DOH) region 2 na wala nang bayan sa lalawigan ng Cagayan ang nasa “critical risk” base sa pinakahuling datos kahapon, Agosto 31.

Nananatili naman sa critical risk epidemic ang limang (5) bayan sa Isabela na kinabibilangan ng Ramon, Cordon, Naguilian, Quezon, at Burgos; habang ang bayan rin ng Cabarroguis, Diffun at Maddela sa Quirino province at mga bayan ng Kasibu at Dupax Del Sur sa Nueva Vizcaya.

Ayon sa DOH, ang mga nabanggit na lugar ay nakapagtala ng mataas na “growth change rate” sa kanilang mga aktibong kaso ng COVID-19.


Dagdag nito, ang mga nabanggit na bayan dati ay wala o kakaunti lamang ang aktibong kaso pero sa loob lamang ng ilang araw ay bigla itong dumami.

Gayunman, nilinaw ng ahensya na hindi ibig sabihin na ang mga nasabing bayan na nasa critical epidemic risk classification ang siyang may pinakamataas na kaso sa ngayon.

Nananatili pa rin ang Tuguegarao City na may pinakamataas na kaso ng COVID-19 sa buong rehiyon.



Facebook Comments