DOH Region 2, Sinagot ang Usapin sa Kinukwestyong Paggamit ng Sputnik V vaccine sa Cagayan

Cauayan City, Isabela- Sinagot na ng Department of Health (DOH) Region 2 ang umano’y kwestyunableng pagbabakuna gamit ang Sputnik V vaccine sa ilang bayan ng Cagayan.

Ito ay matapos pagpaliwanagin ni Governor Manuel Mamba ang ahensya maging ang Regional Inter-Agency Task Force dahil sa naging hakbang sa pagtuturok gamit ang Gamaleya Sputnik V vaccine ng walang pahintulot ng Provincial Health Office.

Sa inilabas na pahayag ng DOH, sa kabila ng patuloy na pagpupursige upang mapalawak ang kasalukuyang takbo sa bakuna ng bansa ay ang pagkakaroon ng alokasyon ng mga bakuna na maaaring gamitin at ibigay para sa lahat ng prayoridad na grupo.


Bahagi umano ng mandato ng national government ang bigyang prayoridad ang Tuguegarao City dahil sa agarang pangangailangan ng malawakang pagbabakuna dahil sa sitwasyon ng kaso ng COVID-19 virus kung kaya’t minabuting ipamahagi umanong ang parte ng alokasyon sa lungsod.

Ayon pa sa ahensya, ang dumating na suplay ng bakuna an nakatakdang ilaan sa LGU Tuguegarao City ay pansamantalang tinanggihan dahilan ng kakulangan ng paghahanda paa sa mga taong nakatanggap makatanggap nito.

Matatandaang idinulog sa Provincial Health Office ng Cagayan sa pamamgitan ng Provincial Vaccination Operations Center ang bigyan ng alokasyon ang dalawang bayan na tinukoy na kinabiboilangan ng Enrile at Solana.

Kaaagad naman itong tinanggap ng nabanggit na bayan para sa pagbabakuna sa mga prayoridad sa ilalim ng naisumiteng masterlist.

Hindi gaya ng ibang mga bakuna, ang Sputnik V at Pfizer ay nangangailangan ng storage requirement o temperature na sinasabing mayroong kagamitan ang lungsod para dito.

Giit ng DOH, nagkaroon ng masusing pagsusuri sa pasilidad bago isinagawa ang pagbabakuna upang matiyak ang kaligtasan ng mababakunahan.

Facebook Comments