DOH-RESU: Lambak ng Cagayan, COVID19-Free Na

*Cauayan City, Isabela*- Kinumpirma ng Department of Health Region 2 na ‘Zero Case’ na ang buong rehiyon sa sakit na corona virus (COVID-19’).

Ayon sa DOH, ito ay matapos magnegatibo sa resulta ang huling pasyente mula sa Cauayan City, Isabela na isang Health Worker.

Matatandaang nakapagpatala ang rehiyon ng 27 na kumpirmadong nagpositibo sa sakit habang ang isa na mula sa Nueva Vizcaya ay binawian ng buhay bago pa man malaman ang resulta nito.


Nananatili naman na walang naitatalang kaso ng covid-19 ang Probinsya ng Quirino at Batanes.

Facebook Comments