DOH Sec. Duque, bumisita sa PGH

Malaking bilang ng health workers ng University of the Philippines – Philippine General Hospital (UP-PGH) ang payag nang magpabakuna kontra COVID-19.

Sinabi ni UP-PGH Spokesman Dr. Jonas del Rosario na 72% ng kanilang frontliners ang handa nang tumanggap ng anti-COVID vaccine.

24% naman ang nagsabing hindi pa sila handang magpabakuna at maghihintay pa ng mas malalim na pag-aaral dito.


Habang isang porsyento naman ang nagsabing ayaw nilang magpabakuna.

Dahil dito, lumalabas aniyang 7 out of 10 sa 4,000 frontliners ng UP-PGH ang pabor sa pagbabakuna.

Samantala, sa ginawang pagbisita naman ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque kanina sa PGH, sinabi nito sa mga frontliners na kung anumang bakuna ang gagamitin ng pamahalaan, ito aniya’y mahigpit na napag-aralan at pumasa sa Food and Drug Administration o FDA.

Inamin din ng kalihim na wala pa namang bakuna na 100% na garantisadong epektibo at hindi na muling magkakasakit.

Target naman ng UP-PGH na mabakunahan ang 5,000 frontliners nito at sila ay yaon lamang pumapayag.

Facebook Comments