DOH Sec. Duque, ipinagtanggol ng kilalang political expert; sindikato sa DBM, ibinunyag!

Ipinagtanggol ng political expert at University of the Philippines (UP) professor na si Clarita Carlos si Department of Health Sec. Francisco Duque III sa mga isyung kinasasangkutan nito ngayon.

May kaugnayan ito sa delay na pagpapalabas ng Special Risk Allowance (SRA) ng mga health worker at overpriced na face masks at face shields na pinuna ng Commission on Audit (COA) sa 2020 annual audit report nito.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Carlos na tatlumpung taon na niyang kakilala si Duque at ang pamilya nito kaya alam niyang hindi ito magagawa ng kalihim.


Giit ni Carlos, posibleng alam ni Duque sa kalakaran sa loob ng DOH pero nakatali ang kanyang mga kamay.

Sinisi naman ni Carlos ang Department of Budget and Management (DBM) sa pagkakaantala ng pagre-release ng pondo para sa SRA.

Base aniya sa kanyang karanasan noong nagtatrabaho pa siya sa gobyerno, maraming korap sa DBM kaya nahihirapan ang iba sa paghingi ng pondo.

Facebook Comments