DOH Sec. Duque, mag-iikot para tiyakin ang kahandaan ng mga ospital sa pagsalubong ng Bagong Taon; Healthcare facilities, handa sa posibleng COVID-19 surge pagkatapos ng holiday season

Nakatakdang mag-ikot bukas si Health Secretary Francisco Duque III para tingnan ang kahandaan ng mga ospital sa pagsalubong ng Bagong Taon.

Ito ay kahit umaasa ang Department of Health (DOH) na walang maitatalang firecrackers-related injury kasunod ng pagbabawal ng pamahalaan sa paggamit ng paputok.

Sa isang panayam, tiniyak din ng kalihim na nakahanda ang mga healthcare facility sa posibleng pagtaas ng COVID-19 cases pagkatapos ng holiday season.


Matatandaang pinayuhan ng mga eksperto ang publiko na huwag magpakakampante sa kabila ng pagbaba ng COVID-19 reproduction number noong Pasko.

Babala ng OCTA Research Team, posible pa ring sumipa ang kaso kung magpapabaya ang mga tao sa pagsalubong ng Bagong Taon.

Facebook Comments