DOH Sec. Duque, muling nakatanggap ng papuri kay Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa COVID-19 response

Nakatanggap ng papuri si Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III mula kay Pangulong Rodrigo Duterte sa ginanap na Talk to the Nation nito kagabi.

Ito ay matapos patuloy na tumaas ang bilang ng gumagaling sa Pilipinas mula sa COVID-19.

Ayon kay Pangulong Duterte, kung titignan ang kabuuang kaso sa bansa na mahigit 2 milyon, 1.8 milyon na rito ang mga gumaling.


Dahil dito, nasa 200,000 na lamang ang ginagamot ng DOH para madagdag sa mga recoveries.

Samantala, nakapagtala rin ang bansa kahapon ng 16,621 panibagong nahawa sa virus kung saan 146, 510 ang aktibong kaso.

Facebook Comments