DOH Sec. Duque, naka-home quarantine

87

Kinumpirma ni Health Under Secretary Maria Rosario Vergeire na naka-home quarantine ngayon si Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III.


Aniya, nagpa-test na rin ang kalihim at lalabas ang resulta ng COVID test nito sa loob ng dalawa hanggang tatlong araw

Gayunman, wala naman aniyang nararamdaman na sintomas si Secetary Duque.

Kinumpirma rin ni Under Secretary Vergeire na may hika at hypertension ang kalihim.

Sa ngayon aniya ay naka-work from home rin si Secretary Duque.

Facebook Comments