DOH Sec. Duque, nakiusap sa mga healthcare workers na tanggapin ang Sinovac vaccine

Photo Courtesy: XL Radyoman Emman Mortega

Hinikayat ni Health Secretary Francisco Duque III ang mga healthcare workers na tanggapin ang Sinovac vaccines, ang kauna-unahang bakunang dumating sa Pilipinas.

Pagtitiyak ng Kalihim, ligtas at dekalidad ang mga bakuna ng Sinovac.

Aniya, dumaan at pumasa ang Chinese-made vaccine sa mahigpit na pagsusuri ng Food and Drug Administration (FDA) at inirekomenda ng National Immunization Technical Advisory Group (NITAG).


Samantala, bukas ay agad na sisimulan ng gobyerno ang vaccination program kung saan prayoridad na mabibigyan ng inisyal na suplay ng bakuna ang mga healthcare worker mula sa Philippine General Hospital (PGH), Lung Center of the Philippines, Dr. Jose Rodriguez Memorial Medical Center o ang East Avenue Medical Center, V.Luna Hospital, Veterance Memorial Medical Center at PNP General Hospital.

Habang sa March 4 at 5 naman makakatanggap ng bakuna ang iba pang ospital sa Visayas at Mindanao.

Kabilang rito ang Vicente Sotto Memorial Medical Center sa Cebu City at ang Southern Philippines Medical Center sa Davao City.

Facebook Comments