DOH Sec. Duque, nanawagan sa publiko na irespeto ang government officials na mauunang magpabakuna

154

Umapela si Health Secretary Francisco Duque III sa publiko na huwag namang batikusin ang mga opisyal ng gobyerno na mauunang magpabakuna kontra COVID-19.

Ang apela ay ginawa ni Duque kasunod ng pahayag na handa rin itong maunang magpabakuna anumang brand ng COVID-19 vaccine ang maunang dumating sa bansa.


Ayon kay Duque, layon lamang nito na maipakita sa publiko na ang bakuna ay ligtas, de kalidad at epektibo.

Kaugnay nito, idinepensa ni Duque ang Pangulong Duterte matapos ianunsyo ng Malacañang na hindi ipapakita sa publiko ang pagpapabakuna ng Pangulo.

Inihalimbawa nito ang monarkiya ng England na hindi ipinakita sa publiko ang pagpapabakuna nito.

Facebook Comments