DOH Sec. Duque, pumalag sa rekomendasyon ng senado na isama siya sa mga kakasuhan dahil sa talamak na katiwalian sa PhilHealth

Umalma si Health Secretary Francisco Duque III sa rekomendasyon ng Senado na isama siya sa mga pinakakasuhan nito kaugnay ng talamak na anomalya sa PhilHealth.

Sa isang pahinang pahayag, sinabi ng kalihim na hindi madali para sa Department pf Health (DOH) secretary na pagsabayin ang kanyang mga trabaho sa DOH, Inter-Agency Task Force (IATF) at PhilHealth.

Aniya, maayos din siyang nakipagtulungan sa ginawang imbestigasyon ng Senado


Iginiit din ni Duque na hindi siya naging bahagi ng Board Resolution No. 2515 ng PhilHealth na may kaugnayan sa kontrobersiyal ng Interim Reimbursement Mechanism (IRM) ng PhilHealth.

Ayon kay sa kalihim, kung ang naging findings ng Senado ay alisin o tanggalin siya sa pwesto, sinabi nito na mayroon siyang constitutional duty na gampanan ang kanyang tungkulin maliban nalang kung ipag-utos ito ng Presidente.

Facebook Comments