DOH Sec. Francisco Duque III, aware sa korapsyon sa PhilHealth ayon sa isang Regional VP; palakasan sa IRM, itinanggi

Aware si Department of Health (DOH) Sec. Francisco Duque III sa nagaganap na anomalya at korapsiyon sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Ito ang sinabi ni Dennis Adre, PhilHealth Region 11 Vice President kasabay ng pagdalo ni Duque na siyang Chair ng PhilHealth Board of Directors sa pagdinig ng Senado ngayong araw.

Ayon kay Adre, sa loob ng dalawang dekadang pag-upo ni Duque sa PhilHealth, imposibleng hindi nito malalaman ang nagaganap na katiwalian sa ahensiya.


Kung itinuturing ding mafia silang mga nagsisiwalat ng iregularidad sa ahensiya, magiging mabuting mafia sila dahil may mas higit pang itinuturing na masamang mafia.

Kasabay nito, itinanggi naman ni Duque na may nagaganap na palakasan sa Interim Reimbursement Mechanism (IRM) ng PhilHealth.

Hindi kasi niya pinapalampas ang ganitong pangyayari kaya walang katotohanan ang mga alegasyong ito.

Samantala, ipapatawag naman ng House Committee ang 18 ospital na nahaharap sa fraud cases na may kaugnayan sa transaksyon ng PhilHealth.

Kabilang sa mga ospital na ito ang;

Abra Provincial Hospital
Baguio General Hospital
Benguet General Hospital
Cagayan De Oro Maternity and Childrens Hospital
Divine Word Hospital
Domingo Casano Hospital
Butuan Doctors Hospital and College
University of Perpetual Help Medical Center
Pines City Doctors Hospital
Quezon City Eye Center
Pacific Eye Institute

Sa ngayon, itinalagang officer-in-charge ng PhilHealth si dating PhilHealth Top Executive Officer Arnel de Jesus na pansamantalang papalit kay PhilHealth President at CEO Ricardo Morales na nasa medical leave.

Si De Jesus ay bigo ring makadalo sa mga congressional hearings dahil sa usaping kalusugan.

Facebook Comments