DOH Sec. Francisco Duque III, sinisi ang kanyang mga tauhan sa DOH kaugnay sa pagkaka-delay ng benepisyo ng mga health workers na tinamaan ng COVID-19

Sa harap mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte, direktang sinisi ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III ang kanyang mga subordinates sa DOH kaugnay sa pagkakaantala ng pagpapalabas ng financial assistance sa mga health workers na tinamaan at nasawi ng COVID-19.

Ayon kay Duque, hindi katanggap-tanggap ang pagkakaantala sa proseso ng benepisyo para sa mga health workers na namatay habang nakikipaglaban sa COVID-19 outbreak.

Bunsod nito, sinabi ni Duque na inatasan na niya ang kanyang mga tauhan na huwag umuwi ng bahay hangga’t hindi naibibigay ng mga benepisyaryo ang kanilang financial assistance.


Sa ngayon ay bumubuo na ng Joint Administrative Order ang DOH kasama ang budget at labor departments para ipatupad ang probisyon ng Bayanihan Law kung saan bibigyan ng P100,000 benefit ang mga health workers na mayroong severe case ng COVID-19 habang isang milyon naman ang ibibigay sa mga nasawi na mula sa sakit.

Nabatid na binigyan ni Pangulong Duterte ng hanggang Martes, June 9, 2020, ang mga DOH para ipamahagi ang pinansyal na ayuda para sa mga health workers na tinamaan ng COVID-19 o namatay dahil sa nasabing sakit.

Facebook Comments