DOH Sec. Herbosa, sinabon ni Sen. Cayetano sa budget hearing dahil sa patuloy na nakakandadong health centers sa Embo barangays

Ginisa ni Sen. Alan Peter Cayetano sa budget hearing ng DOH sa Senado si Health Sec. Ted Herbosa.

Sa harap ito ng patuloy na pagkakakandado ng health centers sa Embo barangays na nailipat na sa hurisdiksyon ng Taguig City mula sa Makati City.

Ayon kay Cayetano, hindi tinupad ni Herbosa ang pangako nitong maglalagay siya ng mobile clinic sa 10 Embo barangay matapos na matigil ang operasyon ng health centers at lying-in clinics doon.


Nilinaw naman ni Herbosa na batid nilang nakakandado ang naturang health centers at sa katunayan ay naglagay aniya siya ng bagong regional director sa Metro Manila.

Sinabi pa ng kalihim na ang DOH ay nagbabayad aniya para sa Medical Assistance to Indigent Patients (MAIP) ng Taguig.

Facebook Comments