DOH Secretary Ubial, bumisita sa mga ospital sa Cagayan De Oro

Cagayan De Oro, Philippines – Binisitani Department of Health o DOH Secretary Paulyn Jean Ubial ang mga hospital sa Cagayan De Oro City kahapon.

Kabilang nito ang JR Borja General Hospital, Northern Mindanao Medical Center at iba pang mga pribadong hospital.

Ito’y upang matingnan ang mga pasilidad para sa pagtugon sa posibleng pagdulog ng mga pasyente at mga internally displaced persons mula sa Marawi City.


Napag-alaman na nagbigay ng dalawang milyon pisoang DOH sa JR Borja General Hospital para magamit sa pagtugon sa mga pangangailangan ng mga pasyente.

Ikinatuwa naman ni Secretary Ubial ang ginawang pagbigay ng tugong JR Borja General Hospital sa Camp Evangelista Hospital para sa mga sugatang sundalo.
DZXL558

Facebook Comments