DOH, sinabing dapat maging maingat sa pagkukumpara ng COVID cases ng iba’t ibang bansa

Pinayuhan ni Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire ang publiko na maging maingat sa pagkukumpara ng datos ng bawat bansa pagdating sa COVID-19 cases.

Sa virtual presscon kasama si Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, sinabi nito na dapat unang ikonsidera ang populasyon ng bansa.

Reaksyon ito ng opisyal makaraang lumabas ang mga ulat na naungusan na ng Pilipinas ang Indonesia sa dami ng kaso ng COVID-19 sa Southeast Asia.


Umaabot na kasi sa 119,460 ang COVID-19 cases sa bansa na mas mataas sa 118,753 cases sa Indonesia.

Samantala, depensa naman ni Roque, nasa higit 1.6 million na ang test na naisagawa sa bansa kumpara sa 900,000 test sa Indonesia.

Nangangahulugan lamang ito na talagang mas madaming kasong maitatala sa bansa dahil natutukoy sa pamamagitan ng expanded testing ang mga positibo sa COVID-19 at agad silang nai-isolate at nabibigyan ng atensyong medikal.

Facebook Comments