Uunahin muna ang mga nasa priority groups o sector bago bakunahan ang mga bata.
Ito ang sinabi ni Health Sec. Francisco Duque III makaraang amyendahan ng American drug maker Pfizer ang kanilang Emergency Use Authorization (EUA) kung saan kasama na sa mga mababakunahan ang edad 12-15.
Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Duque na sa ngayon ay kulang pa nga ang mga bakuna sa bansa.
Sa oras aniyang sapat na ang bakuna sa bansa at nabakunahan na ang mga nasa priority groups ay muling pag-aaralan ang rekomendasyong bakunahan na maging ang mga bata rito sa Pilipinas.
Kapag ito ay nangyari ay maaari na muling maisagawa ang face-to-face classes sa mga paaralan.
Matatandaang kagabi sa ulat ni Food and Drug Director General Eric Domingo kay Pangulong Rodrigo Duterte, sinabi nitong nag-apply na for amendment ang Pfizer ng kanilang existing EUA.